top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

MPBL: DAVAO COCOLIFE TIGERS MONSTER GAME VS. BASILAN

MC/Alvin Olivar
Dec 2, 2018
1 min read

SAMPUNG sunod na panalo at patuloy pa ang bilang, ipinoste ng Davao Cocolife Tigers ang panibagong panalo matapos dominahin ang Basilan Steel, 86-61 sa pagpapatuloy ng Vis-Min Invasion ng 2019 Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup kamakailan sa Lamitan City New Gymnasium sa Basilan.

Isa na namang monster game ang ipinamalas ni PBA veteran Mark Yee na tumikada ng 22 puntos at 14 na rebounds upang pamunuan ang koponan ni Claudine Bautista ng Davao Occidental LGU sa ayuda nina Cocolife president Elmo Nobleza, FVP Joseph Ronquillo at AVP Rowena Asnan, ang init ng kanilang opensiba na nagpalambot sa bakal ng Basilan upang hawakan pa ng mahigpit ang liderato sa south division para sa 12-3 standing.

Sa pamamayagpag sa division ng Davao Cocolife, naka-pokus na ang Tigers ng Mindanao na kinabibilangan din ng dating pro players na sina Leo Najorda at Bonbon Custodio ang kampeonato. “We want to achieve our goal in winning the championship and we are in the right direction,” wika ni team manager Ray Alao.

Sinabi naman ni Tigers head coach Don Dulay na bagama’t nasorpresa siya sa pag-peak ng team na kailangang iangat pa ito para sa inaasam na kampeonato sa ligang inorganisa ni Sen. Manny Pacquiao.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page