Karapatan ng testigo na nasa witness protection program

UPANG mabigyan ng proteksiyon ang mga testigo na gagamiting saksi para sa kaso ay ipinasa ang Republic Act (R.A.) No. 6981 o ang tinatawag na “Witness Protection, Security and Benefit Act”. Sa ilalim ng batas, ang mga sumusunod ang mga maaaring tanggapin sa programang ito na pinangangasiwaan ng Department of Justice (DOJ):
“Section 3. Admission into the Program. - Any person who has witnessed or has knowledge or information on the commission of a crime and has testified or is testifying or about to testify before any judicial or quasi-judicial body, or before any investigating authority, may be admitted into the Program:
Provided, That:
a) the offense in which his testimony will be used is a grave felony as defined under the Revised Penal Code, or its equivalent under special laws;
b) his testimony can be substantially corroborated in its material points;
c) he or any member of his family within the second civil degree of consanguinity or affinity is subjected to threats to his life or bodily injury or there is a likelihood that he will be killed, forced, intimidated, harassed or corrupted to prevent him from testifying, or to testify falsely or evasively, because or on account of his testimony; and
d) he is not a law enforcement officer, even if he would be testifying against the other law enforcement officers. In such a case, only the immediate members of his family may avail themselves of the protection provided for under this Act.”
Kapag ang isang tao ay natanggap na sa nasabing programa, siya ay magsasagawa ng Memorandum of Agreement kung saan nakapaloob ang kanyang mga obligasyon at tungkulin sa ilalim ng kanyang pagkakatanggap bilang saksi (Section 5, RA 6981).
Kaakibat sa kanyang mga tungkulin bilang saksi ay binibigyan din siya ng mga karapatan sang-ayon sa probisyon ng Seksiyon 8 ng parehong batas, tulad ng mga sumusunod:
1. Karapatang magkaroon ng ligtas na tirahan hanggang sa siya ay nakapagbigay na ng kanyang pahayag o hanggang sa ang pagbabanta o pananakot sa kanya na dahilan sa kanyang pagbibigay ng pahayag ay mawala.
2. Kapag hinihingi ng pagkakataon at kinakailangang dalhin sa ibang lugar upang maprotektahan ang kapakanan ng testigo, siya ay may karapatan na magkaroon ng relokasyon at mapalitan ang kanyang pagkatao. Ang karapatang ito ay abot sa bawat miyembro ng kanyang pamilya at kamag-anakan hanggang sa second degree of consanguinity o affinity;
3. Karapatang matulungan para makapaghanap ng isang uri ng pagkakakitaan o pangkabuhayan;
4. Kapag ang nasabing testigo ay hindi nakapapasok sa kanyang trabaho nang dahil sa kanyang paghaharap at pagbibigay ng pahayag sa husgado o sa anumang uri ng imbestigasyon, siya ay hindi maaaring mawala sa kanyang puwesto o matanggal sa kanyang trabaho;
5. Ang testigo na lumiban sa kanyang trabaho dahil sa kanyang pagbibigay ng kanyang pahayag o testimonya ay may karapatang mabayaran ng halagang katumbas ng kanyang sahod para sa araw o sa mga araw na siya ay lumiban;
6. Karapatan para sa rasonableng gastusin para sa kanyang mga pagbiyahe at mabigyan ng subsistence allowance;
7. Karapatan para magkaroon ng libreng pagpapagamot at pagpapaospital sa mga pribado o pampublikong ospital, pati ng mga libreng gamot para sa anumang sugat o karamdaman na may kinalaman sa kanyang pagiging testigo;
8. Kapag ang testigo ay napatay, ang kanyang mga tagapagmana ay makakukuha ng burial benefit na hindi bababa sa P10,000;
9. Kapag ang testigo ay namatay o naging imbalido, ang kanyang mga anak na wala sa hustong gulang ay mapagkakalooban ng libreng edukasyon mula sa mababang paaralan hanggang sa kolehiyo sa alinmang pampublikong paaralan o sa mga pribadong paaralang elementarya, sekondarya o kolehiyo kung sila ay maging kuwalipikado rito;
10. Karapatang magkaroon ng mabilis na paglilitis sa kasong kung saan siya ay testigo;
11. Karapatang panatilihing sikreto ang kanyang pag-aplay para matanggap sa programa maging ang iginawad na kaukulang aksiyon sa kanyang aplikasyon;
12. Ang testigo ay hindi maaaring ilagay sa isang paglilitis na kriminal o maparusahan nang dahil sa mga transaksiyon o bagay na may kinalaman sa kanyang testimonya o sa mga libro, dokumento o kasulatan na kanyang ilalabas sa kanyang pagbibigay ng kanyang testimonya.





Comments