Huwag na ‘wag kang bibitiw, laban lang, hindi ka nag-iisa! TIPS PARA SA MGA DUMARANAS NG DEPRESYON,
- BULGAR

- Dec 2, 2018
- 4 min read

DEPRESYON ang pinakamatinding kalaban ng karamihan, hindi lamang ng kabataan kundi maging ng mga may edad na. Hindi ito simpleng problema dahil ito ay nagiging sanhi ng kamatayan kaya narito ang ilan sa mga paraan upang malagpasan natin ang pagkakaroon nito:
1. WALKING. Ito ay nakatutulong upang makapag-isip-isip tayo nang mas maayos kaya mainam na gawin ito upang ma-refresh ang utak natin at hindi magkapag-isip ng negatibong bagay.
2. GIVE TIME TO CHARITY. Napatataas nito ang ating well-being at satisfaction. Maaari rin natin itong maging outlet para sa “extra meaning” sa ating buhay. Kung iisipin sa ganitong sitwasyon, kadalasan ang pakiramdam natin ay mag-isa tayo at tila walang pakialam ang iba sa atin gayunman, puwede tayong magkaroon ng oras para sa kapwa, maiksi man o mahabang oras, ang mahalaga huwag natin hayaang maranasan ng iba ang pakiramdam na mag-isa dahil alam natin kung gaano kalungkot ito.
3. STARTING A BUSINESS. Usung-uso na ngayon ang pagbi-business kaya isa rin ito sa nakikita nating paraan upang malagpasan natin ang lungkot.
4. TAKE FOOD WITH OMEGA 3 FATTY ACIDS. Kailangan ng utak ng fatty acids upang mag-function ito nang maayos. Inirerekomenda ang sapat na Omega 3 fatty acids na isa sa mga epektib na panlaban sa depresyon.
5. HAVE A RIGHT AMOUNT OF SLEEP. Mainam kung magiging aware tayo sa oras ng ating tulog kada araw dahil may nagiging epekto ito sa pagtakbo ng ating utak.
6. WATCH RELATABLE MOVIE. Bukod sa moral lessons na makukuha mo sa panonood, makare-relate ka pa sa karakter at kung paano niya nalagpasan ang kanyang pinagdaanan.
7. EAT DARK CHOCOLATES. Nakabu-boost ito ng mood para sa mga dumaranas ng depresyon.
8. LISTENING TO MUSIC WHILE SLEEPING. Ang pagpapatugtog habang natutulog ay nakapagbibigay ng relaxing effect sa atin.
9. CUDDLING. Nakatutulong ito para maramdaman nating may nagmamahal at nag-aaruga sa atin. Hindi lang para sa magdyowa kundi para rin sa mga dumaranas ng mental health illness.
10. GET INTO GARDENING. Ito ay simpleng pamamaraan para mabawasan ang sobrang pag-iisip natin sa mga negatibong bagay. Natutulungan tayo nitong mailihis ang pag-iisip at lumabas ang ating pagka-creative.
11. AVOID SUGAR. Hindi lang para makaiwas sa diabetes kundi para maiwasan din ang iba’t iba pang kumplikasyon na maaaring maka-trigger ng depresyon.
12. VLOGGING. Marami tayong moral lessons na natututunan kaya laliman pa natin ang paggawa at huwag itong gawing past time o katatawanan.
13. WATCH VLOGS. Manood ng vlogs na tungkol sa arts and crafts, tutorials, DIY, entertainment vlogs at iba pa interesting videos para mapagaan ang ating mood.
14. DON’T SELF-MEDICATE WITH ALCOHOL. Ang problema ay hindi naidaraan sa paglalasing, ‘pag wala na ang amats ninyo, mas lalala lang ang problemang inyong nararanasan.
15. GO ON A ROAD TRIP. Bagama’t, nakapapagod, nagagawa nitong abala ang ating isipan at natututo tayo ng mga bagong bagay.
16. HIKING. Mainam sa kalusugan na makakita tayo ng nature kung saan makapagbibigay din ito ng benefits para sa mga dumaranas ng depresyon.
17. ADOPT A PET. Maaaring ito ay pusa, aso at iba pa. Sa pagkakataong pakiramdam natin ay isolated tayo at isang magandang ideya ang pagkakaroon ng pet. Parang mayroong silang powerful antidotes na nakapagbibigay ng tuwa at komportableng pakiramdam na makapagpapakalma sa atin.
18. DO SOMETHING NEW. Kapag sinubukan nating baguhin ang nakasanayang routine, maaari itong magdulot ng kakaibang kasiyahan at siyempre, bagong matututunan.
19. PLAYING CARDS. Nakatutulong ito para maaliw tayo at makapag-focus.
20. ALWAYS APPRECIATE YOURSELF. Palagi nating mararamdamang iniiwan tayo ng iba kapag sa una pa lang ay iniwan na natin ang sarili natin.
Maaaring nasa paligid lamang ang ating mga mahal sa buhay, pero walang ibang nandiyan para sa sarili natin kundi tayo mismo.
21. PUZZLES. Tulad ng jigsaw — nakatutulong ito para ma-relax at mapataas ang konsentrasyon natin.
22. SUNLIGHT. Kapag hindi tayo nakapagbibilad madalas sa araw, bumababa ang lebel ng ating serotonins na may kaugnayan sa pagkaroon ng depresyon.
23. CREATE A WELLNESS TOOLBOX. Gumawa ng tool box kung saan lalagyan natin ito ng mga gamit na alam nating makatutulong sa atin upang maging masaya kumbaga, para itong medical kit.
24. DO AN ‘OPPOSITE ACTION’. Makabubuti kung iisip tayo ng mga bagay na puwede nating gawin na kabaligtaran ng ideya nang pagtulog.
25. PHONE GAMES. Ang paglalaro ng ilang mobile games na kung saan nagagamit natin ang ating isipan ay isang uri ng mind exercise.
26. EATING TOMATOES. Ang pagpapak ng, at least, 6 kamatis kada araw ay magandang panlaban para sa depresyon. Mayroon itong taglay na folic acid na makatutulong para makaiwas sa sobrang homocysteine na pumipigil sa produksiyon ng mga importanteng neurotransmitters tulad ng serotonin, dopamine at norepinephrine. Nakatutulong ito para sa pag-convert ng glucose na nakapagpapa-stabilizes sa ating mood.
27. ACCEPT IT AND DEAL WITH IT. Ito ang pinakaepektibong paraan para hindi tayo masaktan. Tanggapin natin ito at tandaang, maaari pa rin tayong mabuhay. Palagi lang nating tatandaan na gawin ito in a better way. Huwag nating hayaang pigilan tayo ng iba sa mga bagay na gusto nating gawin dahil lang sa hindi nila tayo maintindihan. Mahirap man gawin ang magpakapositibo sa sitwasyong ito pero, isang magandang ideya ang subukan pa rin. Sana, matutunan nating i-appreciate ang kagandahan ng mga nilikha ng Diyos na hindi ganu’n kadaling isipin pero, interesting gawin. Basta huwag nating kalilimutan na ang pinakamagandang nagawa Niya ay tayo. (Ni DONNA/TINE)





Comments