top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

HOROSCOPE | DISYEMBRE 2, 2018 (Linggo)

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 2, 2018
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG DISYEM­BRE 2, 2018 (Linggo): Lalo pang aangat ang buhay mo sa kabila ng mga hamon ng iyong ka­palaran na nararana­san mo sa iyong buhay. Ito ang mensahe ng araw na ito ng iyong pagsi­lang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gawin mo ang kaya mo at magu­gu­lat ka dahil maiiwanan mo nang milya-milya ang iyong mga kakum­pi­tensiya. Ito ay ginaga­rantiyahan ng araw na ito para sa iyo. Masu­werteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-18-20-24-34-35.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi masama ang humingi ng tulong, pero ang masa­ma ay ang hingiin mo ang tulong ng alam mong may ibang hanga­rin sa iyo. Ito ang itanim mo sa iyong isip at puso ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-11-28-31-35-37.

GEMINI (May 21-June 20) - Kapag damdamin ang iyong ipi­nairal, matatalo ka. Ka­pag isip ang pinagana mo, ang mga problema ay hindi mananaig sa iyo. Ang tanong, saan ka? Walang iba kundi sa huli! Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-18-22-29-30-39.

CANCER (June 21- July 22) - Unahin mo ang mala­lapit sa puso mo, pero puwede mong kalimutan ang mga taong walang ginawang magan­da sa iyo. Ito ang paalala sa iyo ng araw na ito. Ma­suwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-20-26-41-44-46.

LEO (July 23-Aug. 22) - Nakabukas ngayon ang puso mo at ang ibinabalita ng iyong ka­palaran ay nagsasabing higit sa isa ang puwede mong papasukin dito. Pero, hindi ito maganda para sa iyo, kaya hadla­ngan mo ito. Masuwer­teng kulay-blue. Tips sa lotto-14-16-26-33-35-42.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung sino ang tama, siya mis­mo ang pani­gan mo. Kahit ang malapit sa iyo, kapag nasa mali ay hindi mo dapat sang-ayu­nan. Tulad ng dati, ito mis­mo ang muling mara­ra­nasan mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-21-23-38-40-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi maka­sa­sama sa iyo ngayon ang magbigay ka nang sobra-sobra dahil ang mata­tanggap mong biyaya ay doble pa sa iyong inaasa­han. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-19-22-28-31-38.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Makara­ramdam ka ng awa sa iyong kapwa. Ihanda mo ang iyong sarili nang sa gayun ay hindi ka magkamali sa pagpapasya. Masuwer­teng kulay-peach. Tips sa lotto-19-21-23-39-40-46.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Patuloy ang marami sa pagsunod sa iyo, pero huwag mong abusuhin ang prebilehi­yong ito ng iyong kapala­ran at gamitin mo ito sa kabutihan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-11-12-26-34-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mahina ka ngayon, kaya ang payo sa iyo ay lumayo ka sa makukulit dahil tatanga­yin ka nila sa lugar kung saan maaari kang magsisi sa huli. Masuwerteng ku­lay-brown. Tips sa lotto-14-16-20-22-27-35.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sundin mo ang iyong puso kahit ki­nokontra ito ng isip mo. Ito ang sagot para lumi­gaya ka dahil ang kaliga­ya­han ay nagmumula sa pu­so at hindi sa isip. Masuwer­teng kulay-white. Tips sa lotto-17-20-23-30-41-45.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magmumula sa mga kaibi­gan mo at malalapit sa iyo ang mga suwerte mo. Pa­kitaan mo sila ng ma­ganda kahit pali­him o hindi nila alam da­hil ito ang kondisyon bago ka suwertehin. Masu­­wer­teng kulay-green. Tips sa lotto-9-19-20-24-28-29.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page