top of page
Pokwang.jpg

Estudyante hinataw ng golf club sa ulo

Maeng Santos
Dec 2, 2018
1 min read

MALUBHA ang 18-anyos na estudyante nang hatawin ng golf club sa ulo ng isa sa miyembro ng kanilang kalabang grupo matapos magkarambulan sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan Deputy Police Chief for Administration Supt. Ferdi­nand del Rosario ang biktima na si Miguel Ca­barda, ng Bgy. 89, na gina­gamot sa Manila Central University (MCU) Hospital sanhi ng tinamong sugat sa ulo. Alas-10:30 ng gabi, naglalakad si Cabarda sa kahabaan ng 4th Avenue pa­punta sa kalapit na tindahan nang komprontahin ito ng kanilang kalabang grupo na pinamunuan ng isang Oyo Cordova, ng Bgy. 90.

Tumakbo ang biktima at humingi ng tulong sa kan­yang kagrupo na nauwi sa rambulan.

Nagawang makakuha ni Cordova ng golf club at hinataw sa ulo ang biktima na duguang bumagsak na naging dahilan upang mabilis na isugod ng kan­yang mga kaibigan sa pagamutan. Nagsagawa naman ng follow-up ope­ration ang mga pulis subalit, nabigo ang mga ito na maaresto si Cordova at kanyang mga kasamahan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page