top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

BABAWI KAYA ANG GILAS VS. IRAN MATAPOS TALUNIN NG KAZAKHS?

Alvin Olivar
Dec 2, 2018
1 min read

NAKALASAP ng pagkatalo ang Gilas Pilipinas matapos itong daigin ng Kazakhstan, 92-88, kamakalawa sa FIBA Basketball World Cup Asian qualifiers sa Mall of Asia Arena.

Pinangunahan ni Alexandr Zhigulin ang atake ng Kazakhstan matapos umiskor ng 30 points mula sa 10 of 16 sa field goal para makuha ang panalo para sa kanyang koponan. Umangat ang kartada ng Kazakhstan sa 4-5 sa Group F.

Nakabawi rin ang Kazakhstan sa Gilas mula sa kanilang 37 points na talo laban sa Pilipinas sa 2018 Asian Games sa Jakarta noong Agosto. Dahil sa talo ng Gilas ay bumaba ang kartada ng Pilipinas sa 5-4.

Tumabla na rin ang Gilas Pilipinas sa Japan sa team standings ng Group F matapos manalo ito kontra sa Qatar, 85-47.

Nagtipa ng 29 points si Stanley Pringle habang 14 points at 13 rebounds ang tinala ni June Mar Fajardo para sa Gilas Pilipinas na maghahangad na makabawi sa talo sa kanilang laban kontra sa Iran sa Lunes sa Mall of Asia Arena.

Tumabla pa ang laro sa 83-83 ngunit hindi nakasagot ang Gilas Pilipinas sa opensa ng Kazakhstan.

Bumuslo ng lay-up si Rustam Yergali may 12 seconds ang natitira sa laro para makuha ng Kazakhstan ang 92-88 na kalamangan. Samantala, nanatili sa pangalawang puwesto sa Group F ang Iran pagkaraang matalo sa Australia, 76-47.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page