After ng serye… ALDEN, BABU SA ‘PINAS


TAPOS na ang teyping ng Victor Magtanggol, pero busy pa rin sa kanyang showbiz commitments si Alden Richards. Bukod sa kanyang charity works, may naisisingit pa rin siyang TV guestings.
Ngayong December, si Alden Richards ang bibida at tampok sa istorya ng Daig Kayo ng Lola Ko.
Kukunan ang mga eksena ni Alden sa Taal, Batangas.
Kailangang tapusin ni Alden ang kanyang mga eksena sa DKNLK dahil magbabakasyon silang mag-anak sa U.S.A. at doon na magpa-Pasko.
Nakakasipot pa rin naman siya sa Eat… Bulaga! at Sunday PinaSaya.





Comments