top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Umupo sa harapan, driver biglang preno, mag-ina tumilapon | BEYBI LASOG SA JEEP

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 1, 2018
  • 1 min read

DEDO ang isang apat na buwang gulang na sanggol habang sugatan naman ang kanyang ina nang mahulog sila sa sinasakyang jeep sa Calumpang, Iloilo City.

Ayon sa driver ng jeep na si Welbert Guiao, galing sa manghihilot ang mag-ina at dahil magkakilala, pinaupo sila sa harapan.

Ani Guiao, nagkukuwentuhan sila ng ina ng bata na si Mary Joy Bangcas nang biglang may tumawid sa daan kaya agad niyang iniwasan at nagpreno.

Dahil dito, nahulog ang mag-ina at nabitiwan ang bata kaya nagulungan pa ng jeep. Nasa kustodiya na ngayon ng Molo Police ang driver.

Wala umanong planong magsampa ng kaso ang magulang ng bata pero, nais nilang matulungan sila sa gastusin sa pagpapagamot sa ina at pagpapalibing sa bata.

Humingi naman ng pasensiya ang driver ng jeep.

Paliwanag naman ng Land Transportation Office (LTO) na may nilabag pa rin na batas ang driver ng jeep nang payagan nitong sumakay sa harap ang bata. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page