Sinundo ng 2 bebot | BINATA NATAGPUANG PATAY
- Maeng Santos
- Dec 1, 2018
- 1 min read
ISANG binata na sangkot umano sa krimen ang natagpuang patay at may tama ng bala sa ulo at katawan sa Malabon City, kahapon ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Joel Frollo, 20, ng Bgy. Tonsuya, na natagpuan ni Rolly Lucom, 48, na walang buhay habang nakahandusay sa labas ng kanyang bahay, alas-5:45 ng umaga.
Sa inisyal na imbestigasyon, unang sinundo ng dalawang hindi kilalang babae ang biktima sa kanyang bahay alas-5:00 ng madaling-araw ngunit, walang nakaaalam kung saan sila pupunta.
Narekober ng pulisya ang isang patalim sa biktima habang walang natagpuang basyo ng bala sa crime scene.
Patuloy naman ang follow-up investigation sa insidente.





Comments