Para sa mga work is life sa gabi, read n‘yo ‘to, dali! TIPS UPANG DEHINS MAGKAROON NG BAD LIFESTYLE
- BULGAR

- Dec 1, 2018
- 1 min read

WORRIED ka na ba dahil palaging night shift ang iyong schedule? Don’t worry dahil narito ang ilang tips para sa inyo upang kahit night shift kayo, eh, magkaroon pa rin kayo ng healthy lifestyle:
1. HEAT THINGS UP. Kapag maliligo, mainam na gumamit ng maligamgam na tubig dahil ito ay nakapagbu-boost ng enegy at nakagaganda ng mood ng tao. At dahil du’n, maiiwasan mong ma-stress na nakasasama sa kalusugan mo.
2. CAFFEINATE WISELY. Uminom ng kape ng naaayon sa dami nito kada araw, hindi maganda sa kalusugan kung masosobrahan tayo rito dahil may disadvantages din na naibibigay ang kape sa atin.
3. WORK OUT IN THE MORNING. Importante ang pagpapawis, kaya kung walang time sa gabi, gawin ito sa umaga o kaya ay kapag may araw pa. Hindi lang ito nakapapayat kundi nakabubuti rin ng immune system.
4. GOOD FOOD. Kumain ng masusustansiyang pagkain, huwag ugaliing kumain sa fastfood chains, araw-araw, nakasasama ito lalo na kung kinakailangan mo ng enerhiya sa gabi.
5. SKIP DAY DRINKING. Iwasang gumimik, hindi ito makabubuti sa mga may pasok ng gabi dahil nakapagdudulot ito ng pananakit ng ulo, tiyan at hangover. Kaya say no to alcohol, okie? Hi-hi-hi!
6. TRY A WHITE NOISE APP. Mainam na i-silent ang smart phone lalo na kung oras ng pagtulog nang sa gayun ay hindi ka naiistorbo o nabibitin sa pagpapahinga.
7. BUY BLACKOUT SHADES. Bumili ng shades dahil malaki ang maitutulong nito sa ating paningin lalo na kung magdamag na nakatutok ang inyong mga mata sa computer o kahit anong gadgets.
Kaya para sa mga night shift diyan, upang maging healthy ang inyong lifestyle, disiplina lang ang kailangan.
Gets mo?





Comments