Ngayong mayor na… GOMA, HAPI NA NAKAPAG-DEMAND SA DOS
- BULGAR

- Dec 1, 2018
- 2 min read

PARA kay Richard Gomez, malaking privilege sa kanya na sa Ormoc City (kung saan ay siya ang kasalukuyang mayor) sila nag-shoot ng Three Words to Forever at thankful siya sa Star Cinema at sa buong cast na pumayag na mag-location for the film.
“Sinabi ko sa Star Cinema, I really want the project kaya lang, ang hirap para sa schedule ko as a mayor. You know, when you’re a mayor of the city, you have to be there 24/7.
“And hindi naman ako puwede na ‘pag nag-shooting dito, wala ako ru’n, so, I’m very thankful to all the co-stars who agreed to shoot in Ormoc, especially in Star Cinema, kasi while we were shooting there, I was able to do my duties also as mayor of the City,” pahayag ni Goma.
Sabi naman ni Joross Gamboa na kasama ring nag-shoot sa Ormoc, “It adds flavor din ‘yung location namin to the story. Visually, ipinapakita ‘yung lugar and ‘yung family.”
Nang mag-ocular visit nga raw si Direk Cathy Garcia-Molina kasama ang production team, ani Goma ay hindi siya talaga sumama kundi ang tourism office para hindi maging biased ‘yung pagtingin sa Ormoc.
“Tiningnan nila, nakita nila ‘yung beauty of the place,” sambit ni Goma.
And true enough, nang mapanood nga namin ang pelikula sa ginanap na block screening sponsored by Eugenio Gojo Cruz Policarpio Memorial Foundation, Inc., talaga namang humanga rin kami sa ganda ng lugar. Kudos sa cinematographer na na-capture talaga ang ganda ng siyudad.
Anyway, nais naming magpasalamat sa mag-asawang Engr. Rolly and Jeanine Policarpio ng Eugenio Gojo Cruz Policarpio Memorial Foundation, Inc. sa pag-imbita sa amin sa naturang block screening.
Ikinatuwa naming malaman na for a good cause ang block screening dahil gagamitin ang proceeds sa mga scholars na pinag-aaral ng foundation na pinamumunuan ng mag-asawa.
Tatlong taon pa lang ang nasabing foundation pero nakapagpa-graduate na sila ng apat na estudyante at ngayon ay may pinapaaral na limang college students.
“We’re doing the fundraising to sustain the foundation, and not only that, para at least dumami,” pahayag ni Jeanine.
Pangalawang block screening for a cause nila ito and the first one was Seven Sundays. Gusto raw nila ay mga pampamilyang pelikula na may magandang aral na maibibigay sa manonood.





Comments