Naipong pera, ‘wag basta ubusin sa ‘all out’ na paghahanda
- BULGAR

- Dec 1, 2018
- 2 min read
FINALLY, Disyembre na at ramdam na ramdam na natin ang kapaskuhan.
Actually, simula pa lang ng “ber” months ay ramdam na natin ang kapaskuhan, bilang maaga tayong mga Pilipinong magdiwang ng okasyong ito pero, siyempre iba pa rin ‘yung alam nating it’s just around the corner.
At heto na tayo, ilang linggo na lang at Pasko na. Marahil, marami sa atin ang nakagayak na ang mga tahanan, nagpaplano na ng lulutuing handa para sa mag-anak at nakapagsimula nang mamili para sa mga inaanak.
Aaminin nating tayo man ay nadadala sa season na ito, sino ba ang hindi? Lahat ay looking forward sa masaya at pagmamahalang dala ng Pasko.
Pero teka muna, lalo na sa kapwa natin mommies, kumusta na ang ating budget, buo pa ba ang savings, emergency fund at kumusta ang para sa expenses na naitabi natin, may naitabi nga ba?
Alam ninyo, I came across a post on social media about how we excessively spend during the holidays. Ang sabi rito, huwag sanang ikaubos ng ating pera at lakas ang pagsunod sa tradisyon ng Pasko.
Sabi nga, live within your means dahil pagkatapos ng pagdiriwang, saan tayo pupulutin, makababayad ba tayo ng bills at may ipambabaon pa ba ang mga tsikiting?
Huwag sanang gugulin lahat ng ating panahon, lakas at resources para lamang makipag-compete sa iba. Totoo ito, mayroon tayong mga kababayan na all out ang bonggang dekorasyon, regalo at handa pero, pagkatapos ay parang mahirap pa sa daga.
Hindi healthy ang ganitong spending behavior at sana, bilang mga magulang at nakatatanda, maging responsable tayo sa paggasta ng ating pinaghirapang salapi ngayong Pasko.
Para kahit tapos na ang okasyon, merry pa rin tayo.





Comments