Kasama ang misis | PULIS NIRATRAT, UTAS
PATAY ang isang pulis matapos pagbabarilin sa Pasig City.
Kinilala ni Chief Supt. Bernabe Balba ang biktima na si PO2 Manuel Melendez lll, 48, kasapi ng Criminal Investigation and Detection Group ng Philippine National Police at nakadestino sa Camp Crame.
Batay sa imbestigasyon, kasama ni Melendez ang asawang si Shirley matapos mamalengke alas-11:45 ng gabi nang pagbabarilin ito ng salarin matapos bumaba sa sasakyan.
Pagbaba ng biktima at akmang bubuksan ang van para sa kanyang asawa nang umalingawngaw ang magkakasunod na putok ng baril.
Sinabi ng asawa nitong si Shirley na narinig niya ang putok at nang tingnan ay nakita ang duguang asawa.
Dinala ang biktima sa Tri City Medical Center ngunit, dead-on-arrival na ito ayon kay Dr. Claire Brocales.





Comments