Grade 6 nalunod sa ilog, dedbol
PATAY ang 11-anyos na estudyante matapos malunod sa ilog sa Bgy. Lual Barrio, Mauban, Quezon.
Alas-3:30 ng hapon, pauwi na galing sa eskuwela ang biktimang si Emerson Gerola, ng Bgy. Bagong Bayan, kasama ang dalawang kaklase.
Patawid sila ng ilog nang bumuhos ang malakas na ulan na sinabayan ng pagragasa ng tubig.
Sumama ang biktima sa lakas ng agos hanggang sa tangayin ito pailalim.
Nakaligtas ang dalawang kasama nito habang siya naman ang hindi pinalad.
Inabot pa ng ilang oras bago nakita at naiahon ang biktima saka isinugod sa pagamutan ngunit, idineklarang dead-on-arrival.





Comments