Empleyado ng DTI 50 beses pinagsasaksak

ISANG empleyado ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pinagsasaksak sa Imus, Cavite.
Kinilala ang biktima na si Julius Andrew Dizon, pinaniniwalaang pinaslang ng kinontrata umano nitong gumawa ng kanyang bahay na si ‘Ronnie’.
Sa isang panayam kay Imus City Police Chief Superintendent Junar Alamo, nagtatalo umano ang dalawa kung bakit hindi pa nagagawa ang bahay ng biktima kahit kumpleto na ang ibinayad.
Nauwi ito sa pagtatalo hanggang sa pagsasaksakin ang biktima na nagtamo ng 50 tama at tinangay pa umano ang sasakyan nito. (BRT)





Comments