BFF pumila rin | BEBOT DINUKOT, NI-RAPE NG EX-BF


KULONG ang dalawang lalaki makaraang ireklamo ng kidnapping at rape sa Tayabas City, Quezon.
Kinilala ang mga suspek na sina Dante Jasolin, 32, at Dave Tolosa, 21, ex-boyfriend ng 19-anyos na biktima.
Batay sa imbestigasyon, nag-aabang ng sasakyan ang biktima sa Bgy. Angeles nang dumating ang mga suspek at puwersahan umano siyang isinakay sa tricycle.
Dinala umano siya sa hindi pa malamang lugar at doon siya ginahasa ng mga ito.
Muli umano siyang isinakay sa tricycle at iniwan kung saan nila ito dinukot. Kinaumagahan na nang makahingi ng tulong sa pulisya ang biktima na naging daan upang maaresto ang mga suspek. (BRT)





Comments