top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

4 NPA dedo sa engkuwentro

Jeff Tumbado
Dec 1, 2018
1 min read

APAT na miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nasawi sa panibagong engkuwentro sa pagitan ng militar sa Malapatan, Saran­gani Province.

Nangyari ang sagupaan ala-1:00 ng hapon ng Huwe­bes sa bulubunduking bahagi ng Bgy. Upper Suyan.

Sa nakarating na report kay Lt. Col. Marion Angcao, mula sa grupo ng Commu­nist Guerrilla Front 71 ang mga napatay.

Una nang iniulat ang ma­lakas na presensiya ng grupo sa lugar kung saan nagkaka­roon ng mass vaccination program ang ilang health workers dahil sa nangyaring measles outbreak na ikina­matay ng 18 bata.

Wala namang ibang naibigay na impormasyon si Angcao kaugnay sa pagka­kakilanlan ng mga nasawing NPA at kung may nasugatan sa panig ng militar.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page