Utol ng manugang ni P-Digong, promoted
IPINROMOTE ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kapatid ng kanyang manugang na si Atty. Manases "Mans" Carpio sa Department of Agriculture.
Batay sa dokumento na inilabas ng Malacañang, Nobyembre 27 nilagdaan ng pangulo ang appointment paper ni Waldo Carpio bilang undersecretary kung saan una nang nagsilbi bilang assistant secretary sa naturang ahensiya.
Matatandaang, isa si Pangulong Duterte sa tumayo bilang principal sponsor sa kasal ni Waldo at misis nitong si Regine noong Setyembre 2016.
Si Waldo ay kapatid ni Atty. Manases Carpio na mister ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte.
Samantala, itinalaga rin ni Duterte sina Carim Lawi Panumpang bilang undersecretary ng Department of the Interior and Local Government at Allan Batarra Gepty bilang assistant secretary ng Department of Trade and Industry.
Nagtalaga rin si P-Duterte ng mga bagong board member sa Nayong Pilipino Foundation na sina Ruth Marie Isip Equipaje at Cesar de Guzman Aljama.





Comments