Upang matigil ang iba’t ibang klase ng katiwalian; korupsiyon, tuldukan!
- BULGAR

- Nov 30, 2018
- 1 min read
KASUNOD ng isyu hinggil sa mga dayuhang turista na pumasok sa Pilipinas para gumawa ng iligal na aktibidad, hinigpitan ng minorya sa Kamara ang pagmo-monitor sa Bureau of Immigration dahil naniniwala umano sila na kaya may mga nakapupuslit na mga pasaway na dayuhan sa bansa ay dahil sa korupsiyon na hanggang ngayon ay hindi pa rin natutuldukan.
Gayunman, ayon kay Minority Leader Rep. Danilo Suarez, tila napababayaan na ang pagbibigay ng oportunidad para sa mga manggagawang Pilipino kung saan mas nalalamangan na tayo ng mga dayuhan dahil sila pa ang nagkakaroon ng trabaho.
Dagdag pa rito, ang bansa ay nagiging kuta na rin nila para kumita ng pera sa iligal na pamamaraan, papayag ba tayo na sa sarili nating bayan tayo iniiputan?
Sa ngayon ay may napabalitang mahigit sa 50,000 Chinese nationals ang nagtatrabaho sa bansa at karamihan pa sa mga ito ay involved umano sa online gambling.
Kaya sa paggunita natin ng Bonifacio Day ngayong araw, inilalarawan nito kung paano natin dapat ipaglaban ang bansa laban sa mga dayuhang mananakop.
Kaya ang panawagan natin sa gobyerno, sana ay ganito rin tayo nang sa gayun ay magkaroon na rito ng pagbabago at palagi nating isasabuhay ang pagiging makatao, makabayan at makabansa!
Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.





Comments