Tanod dedbol sa armado
Pabs Hernandez III
Nov 30, 2018
1 min read
NORTH COTABATO—Isang barangay tanod ang namatay nang pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang armadong salarin, kamakalawa sa Bgy. Malibatuan, Arakan sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Jill Grino, residente ng naturang barangay.
Nabatid na nakasakay sa motorsiklo si Grino nang pagbabarilin ito ng mga suspek.
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.





Comments