top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

SA TAGAL NA PAGHIHINTAY NG FANS, RAY PARKS, MAGPAPA-DRAFT NA SA PBA

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 30, 2018
1 min read

SA wakas, buo na rin ang pasya ni Bobby Ray Parks, Jr., na ibahagi ang kanyang talent sa PBA at iyan naman ang matagal nang hinihintay ng kanyang fans.

Pormal nang inanunsiyo ni dating UAAP Most Valuable Player at current Alab Pilipinas standout kahapon ng umaga na lalahok na siya sa 2018 PBA Rookie Draft, ayon sa kanyang Twitter account.

Si Parks, 25-anyos ay inaasahan na isa sa top picks sa draft. Ang anak ng maalamat na si Bobby Parks Sr., ay marami nang napatunayan sa paglalaro niya sa collegiate, development at regional level, iniangat ang National University basketball program bago lumipat sa paglalaro sa PBA D-League at sa ASEAN Basketball League.

Kinatawan din niya ang Pilipinas sa Southeast Asian Games. Ang 2018 PBA Rookie Draft ay idaraos sa Dis. 16. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page