Pagsabog sa China, 22 todas
Jersey Sanchez
Nov 30, 2018
1 min read
BINAWIAN ng buhay ang 22 katao habang 22 rin ang sugatan matapos ang pagsabog sa Zhangjiajou City, China.
Naganap ang pagsabog na sinundan ng sunog malapit sa chemical factory na Hebei Shenghua Chemical na may layong 200 kilometro sa northwest Beijing na kabisera ng bansa.
Batay sa imbestigasyon, kabilang ang 50 trak na nadamay sa sunog.
Hindi kinumpirma ng awtoridad kung naapektuhan ng pagsabog ang mismong factory.





Comments