top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

MOOD SWING AT FOREST COVER

Green Lantern
Nov 30, 2018
2 min read

RENDA at LATIGO

HAHATAW ngayon ang 2 year-old na kabayo sa group race at maiden race sa bakuran ng Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Dito masusubukan ang tibay at tuhod ng bawat kalahok na bago isabak sa malalaking karera.

Masasaksihan ang 2 year old Group Race na paglalabanan ng limang kalahok sa paghataw ng unang karera sa Santa Ana race track at pinapaboran ang Mood Swing at Forest Cover sa panimula nang 1 pick 5.

Sa race 2 na panimula ng Winner Take All (WTA), pinapaboran ang kalahok na I Love Jane at Paradise Creek na magsisilbing ka­laban ang Amazing Cole.

Magkakasubukan sa 2 year old Maiden Race ang siyam na mananakbo na pinapaboran ng Serafina, Inter State at Iron Hook.

Hahataw sa race 4 ang mga mananakbong Oh Neng, Bowties and Charms, Dixie Storm, Love Affair, Courageous at Angel Brulay. Pinapaboran sina Dixie Storm, Oh Neng at Courageous.

Mahigpit na maglala­ban ang Ok Mister Bond, Board Walk, Hellow Boss sa Condition Race sa race 5.

Magkakasubukan ang dalawang mananakbo na pinapaboran ng Raxa Bago at Port Angeles sa race 6 at magsisilbing banta ang Oyster Perpetual.

Asahan na magkaka­dehaduhan sa Race 7 sa paghaharap ang mga ka­lahok na Rochelle, Tool of Choice,Temecula, at This Time.

Magiging mahigpit ang paratingan sa huling karera na magaganap sa Race 8, gaya ng Shalom, Go Tango, Pilya at entry No.1.

Tip ni Mang Ding: Race 1 Mood Swing(4), Forest Cover (5); Race 2 I love Jane (3); Paradise Creek (4); Amazing Cole (9); Race 3 Serafina (8); Inter State (1); Toy For The Bigboy; Race 4 Dixie Storm (3); Oh Neng (1); Courageous (5); Race 5 Ok Mister Bond (2); Board Walk (5); Race 6 Raxa Bago (1); Port Angeles (6); Race 7 This Time (8); Rochelle (4); Temecula (7) Race 8 Go Tango (2); Pilya (3); Entry Number 1; Shalom (7).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page