top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

May kasamang 14 na menor-de-edad | SATUR OCAMPO, ARESTADO SA DAVAO

Jeff Tumbado
Nov 30, 2018
2 min read

PANSAMANTALA munang isinailalim sa kos­tudiya ng pulisya sa Davao del Norte sina dating Bayan Muna Partylist Rep. Satur Ocampo at ACT Teachers Partylist Rep. France Cas­tro.

Base sa nakuhang im­pormasyon, alas-6:00 ng gabi ng Miyerkules, Nov. 28 nang isarado ng paramili­tary group Alamara ang Dulyan Campus ng Salugpongan Ta’Tanu Igkanogon Com­mu­nity Learning Center, Inc. sa bayan ng Talaingod sa Davao del Norte.

Nagtungo sa lugar sina Castro at Ocampo kasama ang mga kinatawan ng Na­tional Solidarity Mission para mamahagi ng school supplies at pagkain dahil may nangyayaring food bloc­k­ade sa naturang ko­munidad.

Nakita umano ng grupo nina Ocampo na sinusun­dan sila ng mga tauhan ng Alamara Paramilitary Group kaya dumiretso muna sila sa Talaingod police station.

Nang makarating sila sa istasyon ng pulisya ay hindi na sila pinaalis ng mga ito.

Ayon kay Castro, sinabi­han naman sila na wala silang kaso, pero hindi pa sila pi­naaalis sa presinto.

Kasama sa grupo nina Ocampo at Castro ang aabot sa 74 na mga inibidwal, ka­sama rito ang 29 na estud­yante at 12 guro.

Samantala, batay naman sa report ng Davao del Norte Provincial Police Of­fice, sina Ocampo at Castro ay dina­kip ng Talaingod Mu­nicipal Police Station at ng mga tau­han ng 56th Infantry Batta­lion-Philippine Army dahil sa hindi awtorisadong pag-transport sa may 14 na me­or-de-edad.

Ipinagbigay-alam uma­no ng Municipal Social Welfare and Development sa mga awtoridad na hawak ng gru­po nina Ocampo ang mga bata para dalhin mula sa Si­tio Igang, Talaingod patu­ngong Maco, Compostela Valley Province.

Naharang sa joint ope­ration ng pulisya at militar ang convoy na pinangu­ngu­nahan ni Ocampo sa inilatag na checkpoint sa lugar kung saan lulan sa van ni Ocampo ang mga batang mag-aaral mula sa Salugpungan Lear­ning Center.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page