Lindol sa Iran, 500 sugatan
Jersey Sanchez
Nov 30, 2018
1 min read
NIYANIG ng Magnitude 6.3 na lindol ang Western Iran.
500 katao ang sugatan dahil sa pagyanig.
Naitala sa Sarpol-e Zahab ang episentro ng nasabing lindol.
Matatandaang, 600 katao ang nasawi noong nakaraang taon sa pagyanig sa parehong lugar.
Nawalan ng suplay ng kuryente sa malaking bahagi ng lalawigan habang nagtamo rin ng pinsala ang mga gusali.





Comments