top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

LADY BULLPUPS AT SPIKERS, MAGHAHARAP SA KAMPEONATO

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 30, 2018
1 min read

MAKAKATAPAT ng defending champion Natio­nal University ang De La Salle-Zobel sa darating na girls championship ng UAAP high school volley­ball tournament ngayong Season ‘81.

Pinadapa ng Junior Lady Bullpups at Junior Lady Spikers ang kani-kanilang nakatunggali sa Final Four round upang makausad sa best-of-three finals series na magsisimula sa Miyerkules sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

Pinataob ng no.1 seed NU ang 4th ranked Adam­son, 25-15, 25-19, 25-20, habang pinayukod ng No. 2 seed De La Salle-Zobel, 25-23, 25-21, 25-20 ang 3rd-ranked University of Santo Tomas. Namuno si reigning MVP Michaela Belen sa naturang panalo ng NU sa itinala nitong 16 puntos kasunod si Faith Nisperos na may 15 puntos habang tu­mapos na topscorers para sa La Salle sina Angel Canino at Alleiah Malaluan na may 14 at 13 puntos ayon sa pagkakasunod.

Pupuntiryahin ng Bull­pups ang panglimang sunod nilang titulo kontra Junior Lady Spikers na muling nakatungtong ng Finals mula ng magwagi sila ng 3-peat noong 2013.

Samantala sa boys divi­sion, tinalo ng Far Eastern University-Diliman ang UST, 25-21, 22-25, 22-25, 25-23, 18-16, para maangkin ang huling twice-to-beat slot sa Final Four.

Sila rin ang muling mag­haharap sa semis habang ang topseed NU at no.4 seed Adamson ang magsasagupa sa isa pang pairings. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page