top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kung kinakailangang maghintay ng 301 araw ng biyuda bago makapagpakasal muli

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 30, 2018
  • 2 min read

Dear Chief Acosta,

Namatay ang asa­wa ko dahil sa malub­hang karamdaman, anim (6) na buwan nang nakararaan. Sa kasalukuyan ay may­roon na akong kasin­tahan. Binata siya at nais na naming mag­pa­kasal sa Disyembre ng taong ito. May nakapagsabing kina­kailangan ko raw mag­hintay ng tatlong­daan at isang araw (301) mula sa pagka­wala ng aking asawa bago muling maka­pag­paka­sal. Totoo ba ito? — Tam

Dear Tam,

Para sa inyong ka­ala­man, ang batas na angkop sa inyong sit­was­yon ay ang Article 351 ng Act No. 3815 o mas kilala bilang Revised Penal Code of the Philippines, viz:

“Art. 351. Premature marriages. Any widow, who shall mar­ry within three hundred and one days from the date of the death of her husband or before having delivered if she shall have been pregnant at the time of his death, shall be punished by arrest mayor and a fine not exceeding P500.

The same penalties shall be imposed upon any woman whose marriage shall have been annulled or dissolved, if she shall marry before her delivery or before the expiration of the period of three hundred and one day after the legal separation.”

Subalit, noong ika-13 ng Marso 2015, ipinasa na bilang batas ang Republic Act No. 10655 o mas kilala bilang “An Act Repealing the Crime of Premature Marriage.” Dahil dito, hindi na ipi­nagbabawal ang magpa­­kasal sa loob ng 301 araw mula sa pagkama­tay ng asawa. Samakat­wid, hindi na balakid sa inyong balak na magpa­ka­sal sa inyong kasinta­han ang pagbabawal na mayroon ang dating nasabing batas,

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais na­ming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkaka­in­tindi namin dito. Maaa­ring maiba ang opinyon kung mayroong karag­da­gang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page