top of page
Pokwang.jpg

Kapamilya raw siya, gustong humabol… SHARON, IBINULGAR KUNG BAKIT OUT SA CHRISTMAS STATION ID NG DO

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 30, 2018
3 min read

PINALAKPAKAN ang confrontation scene nina Megastar Sharon Cuneta, Kathryn Ber­nardo at Ormoc City Mayor Richard Gomez sa premiere night ng Three Words to Forever. Napakahusay kasi nilang tatlo, lalo na si Goma, kaya nadala kami sa emosyon at pagluhang ginawa niya sa movie.

Sa cast party ng Three Words to Forever na ginanap sa Racks resto ay nakausap namin ang lead stars ng movie except kay Kathryn na hindi na nakarating doon.

Kuwento ni Mega sa amin, ilang araw bago ang showing ng movie lang nila kinunan ang confrontation scene ni­lang tatlo.

Ibinulgar din niya na rito na sa Manila kinunan ang ek­sena nila sa loob ng kuwarto na supposed to be ay nasa bahay nila sa Ormoc. Nu’ng umaga nang araw na ‘yun ay nag-promote pa raw si Mega sa It’s Show­time saka siya dumiretso sa shooting.

Natapos daw sila nang uma­ga na the next day kung saan nag-guest naman siya sa concert ni Regine Ve­lasquez. Sa concert na ‘to ni Regine ibinigay ni Mega ang kan­yang diamond ring kay Asia’s Songbird.

“Ang akin was ano, parang meron akong mga… ‘yung akin na, hindi naman ako nag­bibigay sa hindi ko mahal. Hindi naman madalas ‘yun. Nakaka-third pa lang ‘yun, eh, ‘di ba?” pahayag ni Mega.

Ang dalawang naunang binig­yan niya ng diamond jewelry ay ang impersonator niya na si Marvin Martinez at si Vice Ganda.

“Pero si Redj talaga, it was our first time to sing together and it’s been my dream as well. Tapos Reginian ako, Sharonian siya. Best friend ko si Ogie (Alcasid). Pero kami ni Regine, this year lang naging close. Tapos, parang feeling ko, gift siya ni Lord sa akin and I was looking at my ring and, hindi ko lang alam, na-feel ko lang right there and then sa stage, I want her to have something that’s parang part of my heart. Kasi hindi ko lang binili ‘yun, eh, ipinagawa ko ‘yun. It’s like a whole month na bumalik pa nga ‘yun nang ilang beses kasi talagang pine-perfect,” kuwento niya.

Isa raw ‘yun sa mga favorite rings ni Mega at marami nang concert tours ang ginawa niya na suut-suot ang na­turang singsing.

“And I wanted to give it to her kasi parang it was not just a piece of jewelry but also a piece of my heart. Kahit cheesy, totoo ‘yun because ‘yung pa­rang kahit namatay ako, gusto ko na may hawak siya na tangible na alam niyang tunay ‘yung friendship ko and love ko sa kanya.”

Nabalitaan naming may isang milyong piso ang ha­laga nu’ng sing­sing, huh?

“Hindi naman. Wala pa naman. Nasa high six figures. Hahaha!”

Naitanong din na­min kay Mega kung bakit wala siya sa Christmas Station ID ng ABS-CBN.

“Sorry, nagsu-shoot kami. Nasa Ormoc kami. Lahat kami, ‘yun ang pi­nag-uusapan namin. We have a film to finish. May deadline kami, remember?”

Pero may nakakita nga raw na staff niya sa bagong Christmas Station ID ng ng ABS sa social media. Then, we asked her again kung wala bang plano na “isingit” o ihabol siya sa Christmas Station ID?

“Ah, ‘yun ang itinatanong ko rin. Bakit hindi na lang kami sumingit? Kaya lang, kasi it was the whole family. Ang hirap na­man, biglang ano, ‘di ba? Okey lang ‘yun. Alam naman ni­lang pamilya kami, eh.”

Samantala, she’s just waiting daw sa susunod na show niya sa ABS-CBN. Makikipag-meeting pa raw sila sa management. May meeting din daw siya with Viva’s Boss Vic del Rosario.

Pero excited naman niyang ibinalita sa amin na may bago siyang movie na gagawin under Reality Films nina Dondon Monteverde at Erik Matti.

“Horror, eh. So, we’re shooting in Baguio and starting next week. Wala nang pahinga talaga. Hahaha!”

‘Yun na.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page