top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kapalmuks na gob., todo-epal sa anti-mining, minahan sa nasasakupan 'di naman maipatigil

  • Pasaway Spotted
  • Nov 30, 2018
  • 1 min read

Ms. Dee / Pasaway Spotted

Spotted ang pagiging pasaway ng kasalukuyang gobernador ng isang lalawigan sa Luzon dahil sa pamamayagpag ng iligal na pagmimina sa kanyang nasasakupan. Kahit ipinagyabang nito ang pagpapalabas ng kauna-unahang utos nang makabalik sa trono noong 2016 tungkol sa pagpapatigil ng lahat ng uri ng pagmimina sa lalawigan (Executive Order No.1).

Nagamit pa niyang linya ang giyera sa pagmimina noong election campaign kaya sa bandang huli, winner si gob. sa halalan.

Pero, kahit halos mapatid na ang litid sa leeg ng mga pobreng residente sa lalawigan sa kasisigaw ng “itigil na ang minahan!” dahil piyesta ang mining ope­rators sa probinsiya, dedma lang si gob.

Ilang milyong piso kaya kada buwan?

Teka, hindi lang si gob. ang spotted na pasaway dahil mayroon siyang “sugo” na nangungulit sa mga lokal na opisyal para pagtibayin ang resolusyon na pumapayag sa minahan sa bawat bayan.

At wait, there’s more... itong si Ginoong “Sugo” na tinawag na alyas Datu Bilog ay sumugod pa sa opisina ng isa sa mga alkalde sa lalawigan para “bungangaan” tungkol sa pagtatayo ng minahan?

Pero, tablado si alyas Datu Bilog na bitbit pa umano ang kanyang kulasisi sa “pangungulit” sa mga opisyal sa naturang bayan? Kahit pa umano mag-alok ng datung si alyas Utad ay sampal lang sa pride nito ang bumalik sa kanya.

Secretary Roy Cimatu, mukhang hinahamon kayo ng spotted pasaway na gob. at ng kanyang sugo, ha? Mahirap ‘yan, baka hindi lang kay gob. mawala ang amor ng pangulo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page