top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kahit ipinagbawal na, P60 milyon pork barrel, tuloy?!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 30, 2018
  • 2 min read

GARAPALAN NA KASI KAHIT IPINAG­BAWAL NA NG SC, PORK BARREL, TU­LOY PA RIN SA KON­GRESO—Kinumpirma ni House Majority Leader Rolando Andaya na nagpamigay si House Speaker Gloria Arroyo ng tig-P60 milyon “pam-projects” sa lahat ng mga kongresistang kasapi ng supermajority sa Kon­greso.

Talagang garapalan kasi may utos na ang SC na bawal na ang pork barrel, tapos taas-noo pang ipinagmamalaki ng mga kaalyado nina P-Duterte at House Speaker GMA sa Kongreso na nagka-P60 milyon sila, mga kapal­muks!

◘◘◘

PATI MGA BA­TANG PAROJINOG, IPAWA-WIPEOUT DIN DAW NI P-DUTERTE KAY ESPENIDO?—Inatasan ni P-Duterte ang liderato ng PNP na itala­gang muli sa Osamiz City si C/Insp. Jovie Espenido dahil ipawa-wipe out daw niya ang buong angkan ng mga Parojinog sa lungsod.

Kapag sinabing wipe­out, ibig bang sabihin, walang ititira sa mga Parojinog na pati mga bata na may apelyidong Paro­jinog, kasama sa ipinawa-wipeout ni P-Duterte kay Espenido?

Kaawa-awang mga batang Parojinog kasi wala pa silang muwang sa mundo at hindi nila alam ang ugat ng galit ni P-Duterte sa kanilang pamilya, pero damay sila sa ipinawa-wipeout ng pangulo, hu-hu-hu!

◘◘◘

PAGSIBAK SA 2 OPAPP OFFICIALS, PASIKLAB LANG NI P-DUTERTE PARA KUN­WARI ANTI-CORRUPT SIYA—Pasiklab lang ni P-Duterte ang pagsibak niya sa mga sinasabi niyang korup na sina Usec. Ronald Flores at Asec. Yeshter Baccay ng Office of Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) para maipakita sa publiko na kunwari, totoong anti-corrupt siya.

Kung totoo kasing anti-corrupt si P-Duterte, dapat ay pinakasuhan at ipinaku­long na niya ang mga dating Customs official na na­sangkot sa puslitan ng tone-toneladang shabu sa Adwana at hindi ipinromote pa at binigyan ng mga ba­gong posisyon sa gobyerno tulad nina Nicanor Faeldon na director ngayon ng Bureau of Correction (BuCor) at Isidro Lapeña na director general ngayon ng TESDA, buwisit!

◘◘◘

PINATUNAYAN NG KORTE NA HINDI LAHAT NG NAPATAY SA DRUG WAR, NAN­LABAN—Hindi kapani-paniwala sa korte ang palusot ng tatlong pulis na nanlaban daw kaya napatay nila ang binatilyong si Kian Lloyd delos Santos kaya ang naging hatol ni Caloocan City RTC Branch 125 Judge Rodolfo Azuce­na kina P03 Arnel Oares, P01 Jeremias Pereda at P01 Jerwin Cruz ay guilty sa kasong murder.

Kahanga-hanga ang ipinakitang tapang ni Judge Azucena sa pagdesisyon sa kasong ito kasi ipinakita niya sa mundo na mayroon talagang EJK (extrajudicial killings) sa bansa at hindi lahat ng napatay sa drug war ni P-Duterte ay nanlaban, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page