Grade 9 tiklo sa drugs
TIMBOG ng pinagsanib na puwersa ng Santiago City Police-Drug Enforcement Unit at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Region 2 ang isang Grade 9 student dahil sa pagbebenta ng iligal na droga sa Barangay Villasis, Lungsod ng Santiago, Isabela.
Agad nai-turnover ng pulisya sa City Social Welfare and Development Office ang 15-anyos na suspek, residente ng Bgy Malvar.
Base sa report ng pulisya, dinakip ang menor-de-edad na suspek sa isinagawang Anti-Illegal Drug Bust Operation matapos makabili sa kanya ang pulis na nagpanggap na poseur-buyer ng isang plastic sachet na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana sa halagang tatlongdaang piso.
Sa kabila ng murang edad nito ay kahaharapin ang inihaing kaso sa prosecutors' office dahil sa paglabag sa ilalim ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments