Wanted nanlaban patay
Pabs Hernandez III
Nov 29, 2018
1 min read
SULTAN KUDARAT—Isang most wanted ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya, kamakalawa sa Bgy. New Cuyapo, Bagumbayan sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Velmo Paderungao, residente ng nasabing barangay.
Nabatid na darakpin sana ng pulisya si Paderungao sa kaso nitong frustrated homicide, pero biglang pinagbabaril ng suspek ang mga awtoridad.
Dahil dito, gumanti ng putok ang mga awtoridad kaya napatay ang suspek.





Comments