top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Tulong para sa mga pamilya ng OFW na namatay sa Saudi Arabia, ibigay!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 29, 2018
  • 2 min read

HALU-HALONG emosyon ang nara­ramdaman ng mga pamilyang namata­yan ng kaanak sa Saudi Arabia matapos sumalpok sa truck ang sina­sakyan kotse ng mga ito sa Riyadh noong nakaraang linggo kung saan isa si Jessica Kunnig sa tatlong Pilipinong nasawi sa aksidente.

Si Kunnig ay 17 taon nang nagtatra­baho bilang nurse sa Saudi Arabia, pero nitong Agosto ay nakapasa siya sa Special Professional Licensure Board Examination at bago mangyari ang aksidente, masaya pa nitong ibinalita sa kanyang pamilya na sa wakas ay tataas na rin ang kanyang sahod sa pinapa­sukang ospital.

Gayunman, ayon sa kapatid ni Kun­nig na si Freda Peralta, sa ngayon ay hindi pa sila nakakukuha ng im­por­masyon mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay sa nangyaring aksidente.

Samantala, alam nating hindi na bago ang ganitong pangyayari kaya sana ay maibigay ng mga ahensiya ang sapat na serbisyo para sa mga kaanak na hanggang ngayon ay hindi pa rin nila alam ang buong istorya sa pagkamatay ng mga mahal nila sa buhay.

Ang panawagan natin sa pamaha­laan, tulungan ang bawat pamilya na mapabilis ang pagpapauwi sa mga labi ng kanilang mga kaanak.

At kahit nangako na ang local office ng OWWA na tutulungan nila ang mga pamilya ng mga biktima, sana ay ma­kamit pa rin nila ang hustisyang dapat nilang makuha.

Bukod kasi sa karapatan ‘yun ng mga pamilyang naghihintay sa Pilipi­nas, hindi nila kakayaning sila lang ang gagawa ng aksiyon kung walang supor­tang maibibigay ang pamahalaan.

Sadyang, nakalulungkot ang pang­yayari kaya dapat paigtingin pang lalo ang seguridad ng mga Pinoy na sa ibang bansa ay nakikipagsapalaran!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page