Pusher todas sa drug-bust
LAGUNA—Isang notoryus na drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa mga awtoridad na nagsagawa ng drug-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Balimbingan, Lumban sa lalawigang ito.
Nakilala ang suspek na si Francisco Padua, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nahalata umano ni Padua na mga pulis ang pinagbebentahan niya ng droga kaya agad nitong pinagbabaril ang mga awtoridad.
Mabilis na nakaganti ng putok ang pulisya na naging dahilan para mapatay ang suspek.





Comments