Lucas Bersamin, bagong sc chief justice

NAKAPANUMPA na kahapon ang itinalagang ika-25 Punong Mahistrado ng Korte Suprema na si Justice Lucas P. Bersamin.
Nasa 32 taon na sa serbisyo sa Hudikatura si Bersamin na nagsimula ang career bilang hukom sa Quezon City Regional Trial Court noong Nobyembre 1986.
Naupo bilang Mahistrado ng Court of Appeals si Bersamin noong 2003 at naging Associate Justice ng Korte Suprema noong 2009.
Samantala, itinalaga naman bilang Associate Justice ng SC si Court of Appeals Justice Rosmari Carandang.
Si Carandang ang pumalit sa nabakanteng posisyon noon ng itinalaga at nagretirong si Chief Justice Teresita Leonardo de Castro.





Comments