Kung maaaring isarado ang fire exit sa gusali kahit na may nakatira rito

Dear Chief Acosta,
Ako ay tagapamahala ng gusali na tinitirhan ng mga empleyado ng Simbahan. Wala kaming nakatalagang security guard dahil bago lamang ito ngunit, may ilan nang nakatira rito. Nais kong malaman kung maaari kong pansamantalang i-lock ang lahat ng mga pintuan kabilang ang fire exit ng nasabing gusali tuwing gabi upang maiwasan ang pagpasok ng mga masasamang-loob o mga taong bawal pumasok sa gusaling ito? — Pia
Dear Pia,
Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Republic Act No. 9514 o An Act Establishing A Comprehensive Fire Code Of The Philippines, Repealing Presidential Decree No. 1185 And For Other Purposes. Nakasaad sa nasabing batas na:
“Section 8. Prohibited Acts. - The following are declared as prohibited act and omission.
xxx xxx xxx
(f) Locking fire exits during period when people are inside the building;”
Samakatwid, hindi ninyo maaaring isarado ang fire exit ng nasabing gusali tuwing gabi dahil may mga taong nakatira rito.
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments