top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kabit ni misis todas kay mister

  • Levi Gonzales
  • Nov 29, 2018
  • 1 min read

PATAY sa isang tama ng saksak sa dibdib ang isang driver matapos mahuli sa aktong kasama nito ang misis ng suspek sa Bgy. Buli, Taal, Batangas.

Alas-12:30 ng hatinggabi, huli umano sa aktong magkasama ang nasawing biktimang si Nelson Caldo, 40, may asawa at ang misis ng suspek na si Eddie Leyma, 52, laborer, kapwa residente sa lugar.

Agad kinompronta ng suspek ang dalawa kung saan nauwi sa pagdilim ng paningin nito. Mabilis na sinaksak sa dibdib ang biktima saka tumakas dala ang patalim nitong ginamit. Posibleng nagselos ang suspek habang may hinala itong kalaguyo ang kanyang misis.

Tinutugis na ng pulisya ang suspek at inimbitahin naman ang asawa nito kaugnay sa naturang krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page