Fans, bitin daw sa serye dahil tsinugi agad… HIRIT NA CHRISTMAS SPECIAL NI ALDEN SA SIYETE, TABLADO
- Nitz Miralles
- Nov 29, 2018
- 1 min read

HINDI na yata matutuloy ang Christmas Special na gusto sanang gawin ni Alden Richards kasama ang Magtanggol family sa telefantaseryeng Victor Magtanggol. Isang araw na lang at December na at wala pang balita na may gagawing Christmas TV Special si Alden.
Nang huli naming makausap si Alden sa taping ng Victor Magtanggol, nabanggit na nag-submit sila ng proposal sa GMA-7 para sana sa Christmas Special ng Magtanggol family dahil nabitin ang mga viewers sa magandang samahan nila na kinabibilangan nina Al Tantay, Chynna Ortaleza, Dion Ignacio, Yuan Francisco at Ms. Coney Reyes.
Baka nga kasama pa sa Christmas TV Special na proposal ni Alden sina Janine Gutierrez, Andrea Torres at iba pang cast ng Victor Magtanggol.
Pero, parang hindi na ‘yun matutuloy, kaya ang guesting na lang ni Alden sa Daig Kayo ng Lola Ko na Pinoy Santa yata ang title na lang muna ang aabangan ng mga fans ng aktor. Nag-taping na si Alden nu’ng Martes (Nov. 27), hindi pa lang alam kung kailan ang airing ng episode.
Samantala, kung tama ang balita namin, sa Sunday (December 2), balik-Sunday PinaSaya na si Alden after one month na pahinga. Kung ‘di magte-taping ng Christmas episode, three Sundays this December mapapanood si Alden sa SPS dahil sa Dec. 18, lilipad na sila ng kanyang pamilya para sa US vacation nila at before New Year na ang kanilang balik, in time for the New Year Countdown.





Comments