FAJARDO, OKS NA SA GILAS LALARO NA VS. KAZAKHSTAN
- Alvin Olivar
- Nov 29, 2018
- 1 min read

PINANGALANAN kahapon ni Gilas Pilipinas coach Yeng Guiao ang 12-man line-up ng koponan sa kanilang FIBA Basketball World Cup Asian qualifiers laban sa Kazakhstan sa Biyernes.
Pinangunahan ni four-time PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo ng San Miguel ang koponan kasama ng apat na manlalaro mula sa Barangay Ginebra na sina Greg Slaughter, LA Tenorio, Japeth Aguilar, at Scottie Thompson. Nakasama rin sa final 12 sina Marcio Lassiter at Alex Cabagnot ng San Miguel, Stanley Pringle ng NorthPort, Poy Erram ng Blackwater, Gabe Norwood at Beau Belga ng Rain or Shine, at Matthew Wright ng Phoenix.
Hindi naman nakasama sa final 12 sina Christian Standhardinger ng San Miguel, Paul Lee ng Magnolia, Arwind Santos ng San Miguel, Jayson Castro at Troy Rosario ng TNT, Ricci Rivero ng University of the Philippines, at Kai Sotto ng Ateneo Blue Eaglets.
Inaasam ng Gilas Pilipinas na mapaganda ang kanilang 5-3 na kartada sa kanilang paghaharap kontra sa Kazakhstan. Muling mag-eensayo ang Gilas ngayong gabi sa Mall of Asia Arena bago sumabak sa laro sa Biyernes.





Comments