ESPORTS, COMPUTER GAMES, ISASAMA SA 30TH SEA GAMES

TIYAK na hahakot ng gintong medalya ang Pinoy Esports Computer gaming enthusiasts sa pagsali nito sa 30th SEA Games sa bansa.
ISA na namang sports na popular sa mga kabataan at nilalaro sa buong mundo sa pamamagitan ng computer na tinatawag na Esport ang nadagdag sa mga sports sa 2019 30th Southeast Asian Games na gagawin sa ‘Pinas.
Ang nasabing sport ay unang nilaro bilang demonstration sport noong 2017 edition sa Malaysia at kasama sa medal sports na makakatulong sa medal campaign ng ‘Pinas.
Ayon kay Singaporean Min-Lian Tan, co-founder and Chief Executive Officer, ang nasabing sport ay sikat sa buong mundo na umabot na 2,350,000 ang active gaming enthusiasts. “The inclusion of the sports, for sure, will add prestige to the SEA Games because youths and millennials got hooked with the new kind of sport,” sabi ni Tan sa press conference na dinaluhan ni SEA Games Organizing Committee chairman Alan Peter Cayetano, dating POC president Celso L. Dayrit at dating PSC Commissioner at consultant Joey Mundo.
Sinabi ni Cayetano na magiging exciting at interesting ang pagkasama ng Esports sa SEA Games. Bukod sa ‘Pinas, ang Indonesia, Singapore Malaysia at Thailand ang kalahok at posible pang madagdagan ang bilang na sasali sa computer manned sport.
Sinabi ni Vincent “Chot” Reyes, executive ng Channel 5 na bibigyan niya ang bagong sport ng tamang oras at air time sa channel na tulad din ng ibang sports. “I will give the same exposure to give die-hard Filipinos to watch the game,” sabi ni Reyes. Pinapayagan ang players na may dugong dayuhan na maglaro basta’t may hawak na pasaporte ng kanilang bansa.





Comments