Chinese tumalon mula 17th flr. ng condo, lasog
- Gina Pleñago
- Nov 29, 2018
- 1 min read
SINASABING tumalon mula sa ika-17 palapag ng isang condominium ang 49-anyos na turistang Chinese kamakalawa sa Pasay City.
Halos nagkalasug-lasog ang katawan at basag ang bungo ni Dong Hua, tubong Quidong City, Jian, China, huling tumutuloy sa room 819 Studiozen Residence, Taft Avenue.
Base sa report na natanggap ni Station Investigation and Detective Management Branch, Pasay City Police Chief Inspector Wilfredo Sangel, naganap ang insidente sa Avida Tower Prime, Taft Avenue, Bgy. 36, Zone 3, ala-1:00 ng hapon.
Dumalaw umano ang biktima sa kanyang mga kababayan na nanunuluyan sa nabanggit na condominium saka umano ginawa ang pagpapatiwakal.
Sinasabing nang isagawa ng biktima ang pagpapatiwakal, naroon ang apat na Chinese nationals kabilang ang kanyang kasamahan na hindi muna binanggit ang mga pangalan.
Inimbitahan ng Pasay City Police ang mga kababayan ng biktima para imbestigahan.





Comments