top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Bitay sa mga sangkot sa droga, madaliin na

Vyne Reyes
Nov 29, 2018
1 min read

BINIGYANG-DIIN ni House Dangerous Drugs Committee Chairman Representative Robert Ace Barbers ang pangangailangan na mapagtibay na sa Senado ang panukalang nagbabalik sa pagpataw ng parusang kamatayan.

Sa pagdinig ng komite kahapon, iginiit ng mambabatas na ang death penalty lang ang makapagbibigay ng tuldok sa talamak na problema sa iligal na droga.

Ipinagtataka ng kongresista na bagamat, may mga batas na kontra droga, patuloy pang lumalala ang problema.

Samantala, hinahanapan na rin ang Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa resulta ng kanilang imbestigasyon sa pagkakapuslit ng P11 bilyong halaga ng iligal na droga.

Naisailalim na umano si dating Customs Intelligence Officer Jimmy Guban sa Witness Protection Program (WPP) kahit wala pa itong naisisiwalat na malalaking pangalan na sangkot sa naturang shabu shipment.

Kasabay nito, iniutos ng komite ang pagpapalabas ng show cause order laban sa 10 indibidwal na nabigong humarap sa pagdinig ng Kamara, kabilang sina PDEA Deputy Director General for Administration Ismael Fajardo at Senior Superintendent Eduardo Acierto.

Kasabay nito ang babala sa mga pinahaharap na maaaring maaresto kung hindi makapagpapaliwanag sa mga komite.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page