top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Umiwas sa kasalubong, sapol | LALAKI PISAK SA 18-WHEELER TRUCK

  • Maeng Santos
  • Nov 28, 2018
  • 1 min read

PATAY ang 26-anyos na office staff matapos mahagip at magulungan ng 18-wheeler truck sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Isinugod ng Caloocan City Ambulance Rescue Team sa Caloocan City Medical Center ang biktimang si Alexander Santos, ng Ruby Ville Subd., Baesa subalit, hindi na ito umabot nang buhay sanhi ng tinamong mga pinsala sa ulo at katawan.

Ayon kay Executive Officer Lito Cruz ng Bgy. 161, alas-6:58 ng gabi, naglalakad ang biktima sa kahabaan ng Reparo Road nang umiwas sa isa niyang makakasalubong patungo sa kalsada at hindi niya namalayan na may hilang mahabang trailer ang tractor head kaya nahagip ng gulong ang kanyang paa hanggang sa bahagyang makaladkad at magulungan ang ulo at bahagi ng katawan nito.

Nakayuko umano at may kinukuhang barya sa hawak na coin purse ang biktima kaya hindi niya namalayan ang trailer truck nang iwasan ang makakasalubong niya sa paglakad.

Sumuko naman ang driver ng truck sa pulisya na hindi na pinangalanan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page