top of page
Pokwang.jpg

Pekeng fan, poser at 'kanser' daw… ANDREA, MINUMURA AT BINABANTAANG PAPATAYIN DAHIL SA BTS

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 28, 2018
1 min read

GRABE pala ang pamba-bash na nararanasan ni Andrea Brillan­tes mula sa mga netizens dahil sa pagiging fan niya ng sikat na South Korean boy band na BTS. Umaabot na raw sa puntong naka­katanggap siya ng death threats at minumura siya.

Inaakusahan daw siyang poser, fake fan, bandwagon at tinatawag pang ‘kanser.’

Aminado ang pretty teener na natatakot na talaga siya kaya hang­ga’t maaari ay ayaw na niyang ipagsabi na fan siya ng BTS.

Ayon sa 15-year-old young actress, taong 2016 pa lang ay kilala na niya ang BTS pero this year lang siya naging fan talaga. Pero ang masasabi raw niya ay hindi siya fake fan at lalong hindi siya na­ki­kisakay sa popularity ng grupo.

“Hindi ako nakikisawsaw sa kanila dahil sikat sila. Nagka­taon lang na nu’ng naging fan ako, sobrang sikat na nila, tapos meron silang upcoming album, kaya baka akala nila, nakiki­sabay lang ako kaya bandwagon. Hindi talaga.

“As in gusto ko talaga sila, genuinely. Gumawa ako ng fan account, nagpo-post ako kahit sobrang busy ako. Nagpupuyat ako, nag-iipon ako for merch (merchandise),” sey ng young actress.

Kasama si Andrea sa Kahit Ayaw Mo Na at gina­gampanan naman niya ang role ni Ally na isang aspiring composer. Kasalukuyan din siyang napapanood sa teleseryeng Kadenang Ginto ng ABS-CBN.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page