Para sure na‘di palpak, hirit sa Kongreso | 3RD TELCO, I-BACKGROUND CHECK
DAPAT umanong magsagawa ng background check ang gobyerno sa nanalong third Telco player upang masiguro na hindi makokompromiso ang seguridad ng bansa kabilang na ang impormasyon ng mga Pilipino.
“Ang gusto ko lang, klaruhin nila ‘yung national security concern natin na masisiguro na ang ating kaligtasan pagdating sa mga impormasyon ng ating mga kababayan ay hindi makokompromiso,” ani Sen. Grace Poe, Chairman ng Senate Committee on Public Services, sa isinagawang pagdinig sa third Telco.
Matatandaang, iginawad ng Department of Information and Communications Technology at National Telecommunications Commission sa Mislatel consortium na kinabibilangan ng Udenna Corp., Chelsea Logistics, Mindanao Islamic Telephone Company at China Telecoms ang karapatan para labanan ang dalawang pinakamalalaking telecom companies sa bansa. Idinagdag pa ng senadora na kailangan tumupad ang Mislatel sa pangako nitong magkakaroon ng mas mabilis na internet na hindi bababa sa 27 megabits per second (Mbps) at 55 Mbps sa mga susunod na taon.





Comments