top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Paggawa ng iligal na aktibidad ng mga banyaga sa bansa, imbestigahan!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 28, 2018
1 min read

TUMAAS ang bilang ng mga mang­gagawang Intsik sa bansa kaya marami ang nababahala sapagkat naaagawan na umano ng trabaho ng mga ito ang mga empleyadong Pilipino.

Gayunman, tiniyak ni Labor Usec. Ci­riaco Lagunsad III na magiging masusi sila sa pagkalap ng impormasyon hinggil sa dumaraming undocumented Chinese workers.

Kung saan nagsasagawa na sila ng paraan upang matunton ang mga banya­gang walang sapat na work permits.

Samantala, nakalulungkot isipin na ginagamit ng mga dayuhan ang bansa natin para sa mga iligal na aktibidad, ‘yung hindi pa nga natin nasosolusyunan ang sarili nating mga suliranin, du­magdag pa sila sa iisipin.

Sa totoo lang, hindi natin ipinagda­ramot ang Pilipinas sa kanila kaya lang kung katiwalian lang ang gagawin nila, ‘yun ang hindi natin hahayaang mag­patuloy.

Sa ngayon, kulang na kulang ang oportunidad na trabaho rito sa bansa, dagdag pa na maraming pasaway at pal­pak na serbisyo ang sinusolusyunan pa ng gobyerno.

Kaya ang panawagan natin sa pama­halaan para maiwasang maisahan, hu­wag natin hahayaang halos masakop na tayo ng ibang nasyon, maghigpit kung kina­kailangan, lalo na sa panahon nga­yon!

At para makasigurado, tama lang na puntahan ang mga kumpanyang pinag­ta­trabahuhan ng mga banyaga, gayundin dapat na magsagawa nang masusing im­bestigasyon ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Bureau of Immigration (BI) sa loob ng mga ahen­siya!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page