Pagdagsa ng mga Intsik, talupan | ONLINE CASINO, I-RAID

MAY nagaganap na umanong labor war sa Pilipinas kung saan unti-unti na ring sinasakop ng mga Tsino ang labor industry sa Pilipinas.
Direkta nang nakakakumpitensiya ng mga laborer mula sa China ang mga istambay na manggagawang Pinoy. Pumapasok sa bansa ang mga Tsino na nagkukunwaring turista ngunit, magtatrabaho pala.
Kaya nanawagan si Sen. Grace Poe na maghigpit ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Bureau of Immigration (BI) sa visa issuance.
Sa 1.66 million tourist visas na inisyu ng Department of Foreign Affairs, 18 lang na employment visa para sa Chinese nationals ang naiproseso.
Kaugnay nito, inihirit na magsagawa ng imbestigasyon sa mga ahensiya at bumisita sa mga lugar kung saan sila nagtatrabaho para masigurong may kaukulang dokumento.





Comments