Obispo na sangkot sa droga, pugutan! — DIGONG

NAGBANTA si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Obispo na kanyang pupugutan kapag nasangkot sa iligal na droga.
Ayon kay Duterte, hindi siya mag-aatubiling pugutan ang mga Obispo.
“Bishop, kapag magpabili ka ng droga paputulan kita ng ulo,” ani P-Duterte sa kanyang talumpati sa groundbreaking ceremony ng Bulk Water Supply Project sa Davao City.
Hindi naman sinabi ng pangulo kung sinong Obispo ang kanyang tinutukoy kung saan inakusahan din na sangkot sa korupsiyon na humingi ng sasakyan sa isang government official.
Matatandaang, binanatan ng Punong Ehekutibo ang isang Bishop David sa akusasyon na kinukuha nito ang mga donasyon ng Simbahan para sa personal na kapakanan.





Comments