Mga magsasaka at mangingisda, napabayaan na ng gobyerno, tsk-tsk-tsk!

PINAKAKAWAWANG sektor ang pagsasaka.
Napabayaan na ng gobyerno ang mga magsasaka at mangingisda!
◘◘◘
INIREREKOMENDA ni Gov. Imee Marcos na pag-aralang mabuti ng gobyerno ang conditional cash transfer (CCT) na hindi nakapag-angat ng buhay ng mga benepisaryo.
Nilinaw ni Gov. Marcos na mas epektibo ang cash for work.
Bigyan ng trabaho ang mga walang trabaho!
◘◘◘
PERO, mas mainam daw na suriin ang antas ng mga nagdarahop at hatiin ito sa kani-kanyang kategorya tulad sa ipinatutupad sa Ilocos Norte.
Karaniwan kasing itinuturing na mahihirap ang mga nakatira sa mga bahay na pawid at may kaya ang mga nakatira sa yero ang bubong.
Pero, nabisto ni Madame Marcos na ang mga nakatira sa ilang bahay-kubo ay may kanya-kanyang modernong cellphone!
◘◘◘
MAHALAGANG matukoy din kung sino ang totoong nangangailangan at sino ang umaasa at sumasandal sa pamahalaan.
Sinabi ni Gov. Marcos na bigyan ng prayoridad ang mga nagdarahop na biktima ng trahedya, kalamidad o kapalaran tulad ng mga naulila.
Mas dapat unahin ang mga tao na may tsansang umunlad at umasenso kaysa sa mga tamad at nagtatamad-tamaran lang!
◘◘◘
KARANIWANG inuubos lang sa pagtaya sa sugal, pambayad sa utang at panlibangan ang salapi mula sa CCT.
Marami rito ay nag-aalaga ng numero sa jueteng imbes na mag-alaga ng hayop sa bakuran!
◘◘◘
KATWIRAN ng mga adik sa huweteng, ang alaga nilang baboy at manok ay napepeste, pero ang alaga nilang numero ay ligtas sa panganib.
Hindi rin kailangan sustentuhan ng feeds ang mga numero sa huweteng na hinihintay nilang lumabas sa bolahan tatlong beses sa maghapon!





Comments