top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Kahit para sa sakit ng ulo at sipon lang ‘yan, teh! PARACETAMOL, MAAARING MAGING SANHI NG AUTISM!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 28, 2018
1 min read

MADALAS na inirereko­menda sa mga nagdadalantao ang paracetamol dahil safe raw ito sa kanila. Pero, knows ba ninyo na maaari itong ma­ka­apekto sa sanggol kapag lu­maki na sila?

Hala!

Ayon sa pag-aaral, ang pag-inom ng mga buntis ng paracetamol o acetami­nophen (APAP) ay nakapag­pa­palit ng hormone sa uterus.

Sinuri ng mga resear­cher ang 132,738 ina ka­bilang ang kanilang mga anak sa loob ng 11 taon.

Ang mga kalahok na ina ay naitalang uminom ng paracetamol noong sila ay nagbubuntis pa lamang.

Si­nubaybayan ng mga resear­cher ang paglaki ng mga bata, kung paano na­tutong magsalita at kung madali ba itong nakapagpo-focus sa mga bagay-bagay habang lumalaki sila.

Lumabas sa resulta na ang expo­sure sa paracetamol ng mga sanggol na nasa sinapupunan pa lamang ay may 30 porsiyento ng tsansang magkaroon ng ADHD at 20 porsiyento ng autism.

Dagdag pa rito, ang mga buntis na uminom ng paracetamol ng sobra sa anim na beses sa first trimester ng ka­nilang pagbubuntis ay maaaring mauwi sa speech delay ng kanilang mga baby ng anim na beses.

Bukod sa madaling bilhin ang para­cetamol dahil hindi nito kailangan ng prescription, isa rin ito sa mga kadala­sang gamot na iniinom ng mga kaba­baihan ha­bang buntis dahil maraming nagrerekomenda nito sa kanila, ngunit, ang paalala ng mga eksperto, puwede pa rin namang inumin ang nasabing gamot habang wala pang tatlong buwan ang dinadalang bata, pero kapag lumagpas na rito, mas okay kung mag-iingat na tayo. Kaya mga mamsh, alam n‘yo na ang dapat iwasan habang nagdadalantao, ha? Have a healthy baby! Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page